Martial Law hindi banta sa ekonomiya – DOF
Hindi banta sa ekonomiya ng Pilipinas ang Martial Law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao dahil sa gulo sa Marawi City.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi makakaapekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang Batas Militar.
Paliwanag ni Dominguez, ang pinaigting na seguridad pa nga ang titiyak na ligtas ang mga negosyo at imprastraktura.
Ang Martial Law aniya sa Mindanao ay makakatulong para mawakasan ang karahasan at maibalik agad ang normal na pamumuhay ng mga residente para hindi maapektuhan ang ekonomiya.