Malakanyang handang ipagtanggol sa Korte Suprema ang legalidad ng Martial Law sa Mindanao

0

Handang idepensa ng Malakanyang sa Korte Suprema ang legalidad ng Martial Law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao kasunod ng ginawang pag-okupa ng grupong Maute sa ilang mga government installation sa Marawi City at pagpatay sa mga sibilyan.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na nakasalig sa probisyon ng Saligang Batas ang Martial Law Proclamation ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Sagot ito ng Malakanyang sa plano ng mga kritiko ng administrasyon sa dadalhin sa Korte Suprema ang usapin sa pagdedeklara ng Pangulo ng Martial Law sa Mindanao.

Nakasaad sa 1987 Constitution na maliban sa kongreso ay maaring pakialaman ng Korte Suprema ang legal na basehan ng Pangulo sa Martial Law Proclamation.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *