Junjun Binay, humirit sa Sandiganbayan na payagan siyang makabiyahe sa US

0
binay jun

Umapela si dating Makati City Mayor Junjun Binay sa Sandiganbayan na pahintulutan siyang makabiyahe patungong Estados Unidos sa susunod na buwan kasama ang kanyang mga anak.

Sa anim na pahinang mosyon na isinumite sa Third Division ng anti-graft court, sinabi ni Binay, sa pamamagitan ng kanyang counsel, na balak niyang makabiyahe patungong California, New York at Washington kasama ang kanyang apat na mga anak para magbakasyon simula Hunyo 8 hanggang 30.

Nakasaad sa kanyang mosyon ang Circular No. 41 ng Department of Justice, na nagsasabing maari siyang payagan na makabiyahe sa ibang bansa sa mga “execptional cases” kung papayagan siya ng korte.

Iginiit ni Binay na ang kanyang mosyon ay maituturing na exceptional cases sapagkat siya ay balo at solo parent, at ang kanyang physical presence sa nasabing biyahe ay makakatulong sa relasyon niya sa kanyang mga anak.

Bukod dito, sinabi rin ni Binay na constitutional right ng bawat bata na samahan ng kanyang magulang kapag babyahe patungong ibang bansa.

Tiniyak naman din ni Binay na wala siyang balak na lumabag sa batas at susunod siya sa mga kondisyon na ipapataw sa kanyang pagbyahe.

Si Binay ay kasalukuyang nahaharap sa mga kaso kaugnay ng pagpapatayo ng P2.28-billion Makati City Hall Building II.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *