AFP nakabuo na ng guidelines para sa pagpapatupad ng Martial Law

0
afp

May nabuo ng guidelines ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo  isinasapinal na nila ang nasabing guidelines na siyang magiging basehan o gabay ng mga sundalo sa panahon ng batas militar.

Inaantabayanan na lamang ng AFP ang kabuuang detalye ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, hinihintay pa sa ngayon ng Philippine Army ang guidelines na ibaba ng general headquarters ng AFP kaugnay sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Phil.  Army Spokesperson Lt Col. Ray. Tiongson  may draft ng ginawa at kapag natapos na ito ay ipamamahagi na sa mga field unit.

Sinabi ni Tiongson na sa nasabing guidelines nakapaloob dito kung paano magmando ng checkpoints ang mga sundalo.

Tiniyak nito na susunod ang militar sa anumang nakapaloob sa nasabing guidelines.

Pagtiyak pa ni Tiongson  irerespeto ng militar ang human rights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *