DOLE pag-aaralan ang hirit na 184 pesos na wage hike sa Metro Manila
Pag-aaralan ng DOLE ang hirit na 184 pesos na umento sa sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ang wage hike petition ay inihain ng Associated Labor Unions sa Regional Wage and Productivity Board sa National Capital Region.
Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, bagaman suportado nila ang nais ng mga manggagawa na madagdagan ang sahod ay kailangan muna nilang pag-aralan ang magiging epekto nito sa kabuuan.
Kinakailangan din aniya ng konsultasyon sa pagitan ng sektor ng mga negosyante, manggagawa at iba pa.
Bukod aniya sa kapakanan ng mga manggagawa, malaki rin ang magiging epekto ng wage increase sa mga negosyo.
Ulat ni: Moira Encina