Philippine Flag sa Senado naka half mast dahil sa pagpanaw ni dating Senador Eva Estrada Kalaw

0
eva

Naka half mast ngayon ang Philippine Flag sa Senado dahil sa pagpanaw ni dating Senadora Eva Estrada Kalaw.

Pumanaw ito sa edad na 96.

Ayon kay Senate Secretary Lutgardo Barbo, nakipag ugnayan na sa kaniya ang isa sa apat na anak ni Estrada Kalaw na siyang nag abiso sa pagpanaw ng dating Senadora.

Magkakaroon ng necrological services ang Senado sa Huwebes ng susunod na linggo.

Si Estrada Kalaw ay isang college professor at naging Senador mula 1965 hanggang 1972.

Kumandidato siya sa pagka Senador sa ticket ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kumalas siya at sumapi sa Liberal Party noong ideklara ang Martial Law.

Noong 1969, siya ang unang babaeng Senador na re-elected.

Isa siya sa mga nasugatan sa meeting de avance ng Liberal Party sa Plaza Miranda noong 1971 na tinaguriang Plaza Miranda bombing.

Naging Assemblywoman din siya ng Maynila noong 1984 hanggang 1986.

Kumandidato rin siya sa pagka Bise Presidente katambal ni dating Vice President Doy Laurel noong 1992.

Tinalo sila noon nina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Pangulong Erap Estrada na siyang nanalo noon sa pagka Bise Presidente.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *