Ilang negosyo sa GenSan apektado ng Martial Law declaration

0
digspinas1

Apektado na ang ilang negosyo sa General Santos City, matapos ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law.

Bunsod  ito ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City, makaraang atakihin ng Maute group.

Ayon sa ilang negosyante, simula nang ideklara ang batas militar may ilang residenteng natatakot nang lumabas sa gabi, dahil baka sitahin ng mga otoridad.

Kaya naman aminado ang ilang night market vendor na matumal ang kanilang benta.

Subalit pinahupa ng lokal na pamahalaan ang takot ng mga residente ng GenSan.

Tiniyak ng mga lokal na opisyal na ligtas pa rin ang lungsod mula sa banta ng terorismo.

Ayon kay Mayor Ronnel Rivera, wala naman silang natatanggap na intelligence report kaugnay sa posibleng presensya ng mga terorista sa lungsod, at naka-full alert din ang PNP at AFP sa pagbabantay sa seguridad.

Sa katunayan, hindi na rin umano kinakailangang magpatupad ng curfew.

Kaya naman tiniyak ng alkalde na malayong mangyari sa Lungsod ang kasalukuyang sitwasyon sa Marawi.

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *