Pilipinas namimiligro na namang ma-blacklist sa Financial Action Task Force
Namemeligrong ma-blacklist ang Pilipinas ng Financial Action Task Force o Global Anti-Money Laundering and Anti-Terrorism watchdog.
Ito ay kung hindi maaamiyendhan ang Anti-Money Laundering Act o AMLA.
Hanggang Hunyo ngayon taon ang ibinigay na deadline ng FATF para amiyendahan at palakasin ang naturang batas.
Kaugnay nito, naghain si Senador Francis Escudero ng panukala para amiyendahan ang AMLA para magkaroon ito ng karagdagang pangil.
Sa ilalim ng panukala, isasama na ang casino.
Sa kasalukuyan, hindi sakop ang casino industry ng AMLA.
Inatasan ng FATF ang Pilipinas para isama sa mga tutukan ng AMLA ang casino.
Bunga ito ng kontrobersyal na pagnanakaw via hacking ng 81 million dollars sa Bangladesh bank kung saan pinadaan sa mga casino operators sa Pilipinas ang pera.
Kaugnay nito, umaapela si Escudero sa mga kapwa niya mambabatas para aprubahan na ang panukalang amyenda sa AMLA.
Kung hindi maaamyendahan ang AMLA sa itinakdang deadline ng FATF maba-blacklist ang Pilipinas.
Kapag nangyari ito, dadaan sa mabusisi at mahal na proseso ang bank transaction ng mga Filipino sa ibang bansa at ang pangunahing maaapektuhan dito ay ang remittance ng mga OFW.
Ulat ni: Mean Corvera