IRR ng Martial Law, hinihintay na ng PNP
Hinihintay na ng pamunuan ng Philippine National Police ang kopya ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng deklarasyon ng Martial Law.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Dionardo Carlos lahat ng law enforcement agencies sa bansa ay papasakop sa implementor ng Martial Law sa Mindanao.
Ang PNP ang magiging katuwang ng AFP sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao.
Sinabi rin ni Carlos na sa ngayon ay nagpupulong na ang ibat ibang law enforcement agencies sa pangunguna ng AFP at PNP para balangkasin ito.
Sa Metro Manila mapapansin na wala namang pagbabago sa ginagawang checkpoints.
Si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Año ang inatasan ni Pangulong Duterte na maging implementor ng Martial law sa loob ng 60 araw sa Mindanao.