Pagpatay ng Maute group sa siyam na sibilyan sa Marawi City kinumpirma ng militar

0
maute

Kinondena ng militar ang brutal na pagpatay ng teroristang Maute sa siyam na sibilyang Kristiyano sa Sitio Moncado, Barangay Kadilingan,Marawi City,Lanao del Sur.

Sinabi ni 1st ID Tabak Division, Philippine Army Spokesman Lt. Col. Jo-ar Herera, na hindi makatarungan ang ginawa ng mga terorista sa mga biktima na nais lamang umiwas sa nangyaring kaguluhan sa lugar.

Inihayag ni Herera na “barbaric act” ang paggapos at pagbaril ng maraming beses sa mga biktima sa madamong bahagi ng Marawi City.

Una nang iniutos ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman na mabilisang imbestigahan ang nasabing mga impormasyon para makagawa ng mga kaukulang hakbang laban sa mga terorista.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *