Maute group may kasamang miyembro ng ISIS sa paghahasik ng gulo sa Marawi City – SolGen Calida
Kinumpirma ni Solicitor General Jose Calida na mayroong foreign terrorists na kasama ang Maute group sa paghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay Calida, ang nasabing terrorists ay Indonesian at Malaysian na miyembro ng international terror group na ISIS.
Dagdag pa ni Calida, hindi na magawang makapasok ng ISIS sa Iraq at Syria kaya sa Pilipinas na nagtungo ang mga ito.
