Mga residente ng Metro Manila hinikayat ng Senado na simulan ang Urban gardening

0
urban

Hinihikayat ng Senado ang publiko lalo na ang mga residente ng Metro Manila na simulan na ang Urban gardening.

Ayon kay Senate Committee on Agriculture Chairperson Cynthia Villar, sa harap ito ng pinangangambahang kakulangan sa suplay ng pagkain dahil sa ibat-ibang kalamidad.

Maari rin aniya itong pagsimulan ng pagnenegosyo lalo na sa mga walang pinagkakakitaan.

Batay aniya sa datos ng Department of Trade and Industry, limampung porsyento ng nagnenegosyo o kalahok sa Small and Medium Enterprises ay mga pagkain lalo na ang organic food and vegetables.

Ulat ni : Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *