Zamboanga City binulabog ng bomb scare, ilang araw matapos ang deklarasyon ng Martial Law
Binulabog ng bomb scare ang Zamboanga ilang araw matapos isa-ilalim sa batas militar ang buong Mindanao.
Isang kahon ang iniwan ng isang di pa nakilalang suspect sa kahabaan ng Barangay Boalan, ilang metro lamang ang layo sa checkpoint ng Task Force Zamboanga.
Maagap namang hinagilap ng mga tauhan ng Zamboanga PNP bomb squad ang mga damuhang bahagi ng highway.
Sa pamamagitan ng tinatawag na Category-C o Water Disruptor, pinasabog ng mga otoridad ang lugar upang wasakin ang isang kahon na pinaniniwalaang bomba at makita ang laman nito.
Ayon kay PO3 Noel Erasga, kailangan nilang matiyak na walang madadamay na katabin glugar lalu na ang mga naka[aradang sasakyan sa loob ng firing range ng Regional Public safety batallion ng PNP sa Zamboanga City.
Nanawagan din si Erasga sa mga mga residente na huwag basta-basta hahawak ng mga matatagpuang un-explode ordinance lalo na kung hindi pa kilala ang mga pampasabog.
Lumabas man na negatibo sa kasangkapang pampasabog o bomba ang nilalaman ng kahon, nagpasalamat naman ang otoridad sa mabilis na responde at kooperasyon
ng mga residente.
