Presensya ng mga dayuhang terorista sa Maute group sa Marawi City, kinumpirma ng pamahalaan
Kabilang sa mga nakakalaban ng tropa ng militar sa Marawi City ay ilang mga Malaysians, Indonesians at Singaporeans at iba pang mga foreign Jihadists.
Ito ang kinumpirma ni Solicitor General Jose Calida sa isinagawang press conference sa Davao City.
Ayonkay Calida, labis itong nakababahala dahil mula sa pagiging local terrorist group ay nahikayat na sila sa mga ideolohiya ng international terrorist group na ISIS at sumumpa pa ng pagkilala sa bandila ng mga ito.
Sa pagyakap aniya nila sa ideolohiya ng ISIS, purisigidong gawin din ng mga ito ang bahagi ng kaharian ng mga Muslim na itinuturing na mapanganib.
