Government panel tiwalang gugulong pa rin ang peacetalks sa NDFP

0
bello1

Naniniwala pa rin si Labor Secretary Silvestre Bello III, Chairman ng Government Negotiating Panel, na gugulong muli ang peace talks ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines.

Ito’y matapos na muling humantong sa suspensyon ang usapang pangkapayapaan sa ikalawang pagkakataon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kuwestiyonable ang katapatan ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front of the Philippines sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

Pero ayon kay Bello, may posibilidad pa rin naman na gumulong muli ang naudlot na fifth round ng peace talks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *