Sec. Aguirre inakusahan ni Sen. Trillanes ng pag iimbento ng mga ebidensya
Mariing itinanggi ni Senador Antonio Trillanes ang alegasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagkaroon ng anomalya sa paggastos ng kaniyang Priority Development Assistance Fund.
Ang pahayag ay ginawa ni Trillanes matapos sabihin ni Aguiree na posibleng makasuhan si Trillanes dahil sa iregularidad sa paggastos ng pork barrel.
Katunayan hindi aniya nabanggit o hindi napasama ang pangalan nito sa tinaguriang Napoles lists noong iniimbestigahan ang PDAF noong 2013.
Kasabay nito inakusahan ni Trillanes si Aguirre na ginagamit ang kaniyang posisyon para i harass ang mga kritiko ng administrasyon.
Bina blackmail at tinatakot rin aniya nito ang mga taga oposisyon para itigil na ang pagbanat sa mga maling hakbang ng gobyerno.
Bukod kay trillanes, nauna nang sinabi ni Aguirre na posibleng makasuhan sa PDAF scandal sina Senadora Leila de Lima at dating Budget Secretary Butch Abad.
Ulat ni: Mean Corvera