Napoles sasampahan ng kaso sa DOJ sina Abad, Trillanes, de Lima at Drilon kaugnay ng pork barrel scam
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sasampahan ng reklamo sa DOJ ni Janet Napoles sina opposition Senators Antonio Trillanes , Leila de Lima , Franklin Drilon at dating Budget Secretary Butch Abad kaugnay sa anomalya sa pork barrel fund.
Batay ito sa inihayag sa kanya ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David.
Ayon sa kalihim, isinasapinal na lamang ng kampo ng nakakulong na negosyante ang salaysay nito at hinihintay pa ang ilang mahahalagang dokumento bago ihain ang reklamo.
Bukod sa apat, may ilan pa aniyang pangalan na tinukoy ang kampo ni Napoles.
Nasa pito hanggang sampu aniya ang posibleng makasama sa inisyal na batch na sasampahan ng reklamo ni Napoles.
Ulat ni: Moira Encina