Bilang ng mga nasasawi sa bakbakan sa Marawi, posibleng tumaas pa

0
marawi1

Asahang lalo pang tataas ang bilang ng mga naitatalang nasawi sa nagpapatuloy na clearing operation ng militar sa Marawi City.

Sa panayam ng Eagle in Action sinabi ni Atty. Abol Alam Padate ,Assemblyman ng 2nd district ng Lanao del Sur , marami pang hindi nabibilang na mga nasawi sa sagupaan lalo na ang mga nasawi sa loob ng mga kabahayan.

“Sobrang dami ng hindi pa naa-account we also have information from the people , there are still body dead bodies na hindi pa narerecover dahil sa kasalukuyang clearing operations .meron pa sa mga bahay bahay na mga casualties na hindi pa talaga naaaccount”. – Atty. Padate

 Dahil dito umapela si Padate sa militar na itigil na ang isinasagawang airstrike sa Marawi at bigyan ng pagkakataon ang mga natitirang residente na lumikas upang hindi madamay sa kaguluhan.

Bukod dito, nanawagan din si Padate sa mga natitirang residente sa Marawi na makipagtulungan sa militar upang matukoy kung sinu-sino ang mga miyembro ng Maute at upang mapadali na ang pagsugpo sa naturang grupo.

“We been appealing to our people to cooperate with the military kasi sabi ko nga sa kanila na in order to lessen the damages you tell the military were is the exact location of this people kasi mananatili sa marawi ang maute kung hindi natin tutulungan ang military”. Atty. Padate

 Ulat ni: Marinell Ochoa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *