PNP headquarters binulabog ng bomb scare dahil sa unattended package
Nagkaroon ng bomb scare sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame.
Ayon kay Senior Supt. Edwin Capanzana, Chief of Staff ng Explosive Ordnance Disposal and Canine Group, nakatangap sila ng impormasyon na may unattended package sa may gate sa Boni Serrano Avenue sa Quezon City.
Gumamit ang EOD personnel ng water disruption para masigurado na hindi bomba ang laman ng mga bagahe.
Wala namang pampasabog na nakita ang mga tauhan ng EOD sa mga bagahe.
Tanging guard uniform, damit, documents, hanger, pagkain, cellphone, at power bank lamang ang laman ng bag..
Sinabi ni Capanzana na hindi makita sa CCTV footage ang muhka ng nag iwan ng bag.
Dagdag pa ni Capanzana dadalhin ang natagpuang cellphone sa Anti-Cybercrime Group para matukoy kung kanino ang mga bagahe na naiwan.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo