268 na Private Higher Education Institutions, pinayagan ng CHED na magtaas ng matrikula
Inaprubahan na ng Commission on Higher Education ang 268 na private higher education Institutions sa buong bansa na magtaas ng matrikula at iba pang school fees sa academic school year 2017-2018.
Sa kabuuang 1,652 private schools na nag-apply ng tuition fee increase 16 na porsyento lamang na HEI’s sa bansa na nag-apply ng tutition fee hike ang naaprubahan mas mababa kumpara sa 304 noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, tataas ng 6.96 percent o katumbas ng ₱86.68 kada unit habang 6.9 percent o ₱243 naman sa iba pang school fees ang bayarin sa mga aprubadong paaralan.
Samantala, nakadepende naman ang increase kung saang rehiyon naroon ang HEI’s.
Sa Metro Manila ang aprubadong tuition fee increase ay ₱119.55 o 4.75 percent, ₱49.07 o 3.05 percent sa Calabarzon at ₱49.50 o 8.64 percent naman sa Central Luzon.
Ulat ni: Violy Escartin