Pagdawit kay Sen. Franklin Drilon sa anomalya sa PDAF tinawag na black propaganda
Walang nakikitang ibang motibo si Senador Franklin Drilon kung hindi ang paghigantihan ang Aquino administration sa target na pagdadawit sa kanya at iba pang kaalyado nito sa usapin ng PDAF scam.
Ayon kay Drilon, bukod sa kanya malinaw na puntirya ng Duterte administration si dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Budget Secretary Florencio Abad, Senator Sonny Trillanes, ang nakadetineng Senadora Leila de Lima.
Isang hayagang black propaganda at political harassment ang ginagawa ng Duterte administration na naglalayon na patahimikin ang mga miyembro ng oposisyon.
Samantala nagrally sa labas ng Senado ang mga miyembro ng Akbayan para kondenahin ang ipinatutupad na Martial Law.
Nangangamba ang grupo na pagmumulan ito ng posibleng pag abuso sa kapangyarihan lalo’t malinaw na ang track record ng Duterte administration sa mga kaso ng pagpatay.
Nagdadala lang ito ng matinding takot sa publiko lalo’t may mga negatibong pahayag ang Pangulo sa warrantless arrest.
Ulat ni : Mean Corvera