Gov. Imee Marcos pina-subpoena na ng Kamara, 3 opisyal ng Ilocos Norte pinakulong ng Kamara
Isa-subpoena na ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos para humarap sa pagdinig ng komite kaugnay sa umano’ iregularidad sa paggamit ng excise tax.
Ito ay matapos hindi na naman humarap sa pagdinig ngayong araw si Marcos.
Sa nakaraang pagdinig hindi nakarating ang Gobernadora dahil mayroon umano itong sakit.
Kaugnay nito, sa pagdinig kanina, tatlong lokal na opisyal ng Ilocos Norte pinatawan ng contempt ng komite.
Ito ay sina Josephine Calajate, Genedine Jambaro at Encarnacion Gaor, Eden Battulayan, Evangeline Tabulog mga opisyal at empleyado ng Provincial Treasurer’s Office ng Ilocos Norte at Engr. Pedro Agacoili Chairman ng BAC at Head Provincial Planning and Dev’t. Office.
Si House Majority Leader Rodolfo Farinas ang nagpa-cite in contempt sa anim matapos umanong mapalusot sa kanyang mga tanong.
Ididitine ang mga ito hanggat hindi sila direktang sumasagot sa mga tanong kaugnay ng pagbili ng mini cab noong 2011 gamit ang ₱66.4 million na pondo galing sa tobacco excise tax.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo