Isang tanggapan sa Presidential Communications Office binuwag
Binuwag na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang Strategic Communications Office o (Stratcom) bilang bahagi ng reorganisasyon ng Presidential Communications Office (PCO).
Sinabi ni Andanar, nagpalabas siya ng Office Order no. 26 na bumubuwag sa Stratcom.
Ang 13 empleyado nito ay ilalagay sa Office of the Secretary Media Affairs habang ang 7 naman ay isasailalim sa tanggapan ni PCO Assistant Secretary Kissinger Reyes.
Ang ibang personnel ng Stratcom na contractual na hindi napasama sa order ni Secretary Andanar ay itinuturing na sibak sa kanilang mga posisyon.
Ulat ni: Vic Somintac