DOLE, bumubuo na ng guidelines para sa loan application ng mga displaced at repatriated OFW

0
dol

Bumubuo na ng bagong panuntunan ang DOLE para sa loan application at iba pang benepisyo  para sa mga displaced at repatriated OFW.

Sinabi ni labor Secretary Silvestre Bello, lumikha  na ang DOLE ng technical working group na bubusisi sa panuntunan para sa loan application ng mga distressed o displaced OFW.

Ang Landbank of the Philippines ay nagbibigay ng loan assistance na mula 50 thousand pesos hanggang 300 thousand pesos para sa mga OFW na makapagpiprisinta ng lehitimong collateral gaya ng titulo ng lupa.

Pero ipinapanukala ng DOLE na mula 8-percent ay gawing 6-percent ang interest rate para sa OFW loan at alisin na rin ang requisite para sa collateral dahil ang DOLE na ang tatayong guarantor para sa mga OFW.

Ulat ni: Moira Encina

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *