Pagpapalawig ng validity ng drivers license aprubado na sa Bicam

0
lisence

Sa huling araw ng sesyon, niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang palawigin ng limang taon ang validity ng driver’s license mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang driver na walang nagawang violation sa panahon ng kaniyang pagmamaneho,  ay bibigyan ng lisensya na valid hanggang sampung taon.

Sa Bicam meeting, nagkasundo ang House contingent na i-adopt ang Senate version na mabigyan ng limang taong extension ang driver’s license holder na hindi nasangkot sa anumang violation.

Sa orihinal na bersyon ng Kamara, hanggang limang taon ang validity ng Driver’s license pero subject pa ito sa mga ipatutupad na restrictions ng Land Transportation Office.

Pero sa bersyon ng Senado, dapat lahat ng driver’s license maliban sa student permit ay valid hanggang limang taon at mapalawig pa ito hanggang sampung taon kung walang magiging paglabag sa batas habang nagmamaneho.

Kapag naging ganao na batas, papatawan ng dalawampung libong pisong penalty ang sinunang license holder na mapapatunayang nandaya sa mga examination sa pagkuha ng lisensya, nagsumite ng mga pekeng dokumento at nakipagsabwatan sa mga  LTO officials para mapadali ang pagkuha ng lisensya.

Hindi na rin ito maiisyuhan ng lisensya sa loob ng dalawnag taon.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *