Anim na pulis, nananatiling missing sa Marawi City – PNP Chief

0
bato1

Anim na pulis pa ang nawawala o missing in action sa Marawi City.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Ronald dela Rosa hindi pa rin nila makontak ang nasabing mga pulis na nasa sentro pa ng siyudad kung saan nagpapatuloy ang mainit na labanan.

Sinabi ni Dela Rosa na wala silang ideya kung nagtatago pa ang mga ito o nadakip na ng mga terorista.

Kasama sa hindi pa naa-account ang mismong Chief of Police ng Marawi City.

Umaasa naman si Dela Rosa na magkakaroon ng magandang resulta ang ongoing clearing operations kaugnay sa estado ng mga missing na pulis.

Sa ngayon, nanatili sa tatlong pulis ang napatay at tatlo rin ang sugatan sa Marawi encounter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *