Oposisyon walang balak na dumulog sa Korte Suprema para kwestyunin ang Martial Law
Wala nang balak maghain ng petisyon sa Korte Suprema ang oposisyon sa Senado para kwestyunin ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, Ito’y kahit pa naibasura ang kanilang hirit na magsagawa ng joint session.
Katwiran ni Drilon, ayaw nilang maakusahan ng pamumulitika dahil sa pag atake sa hakbang ng gobyerno.
Pero susuportahan nila sinoman ang maghahain ng petisyon sa kataas-taasang hukuman.
Ulat ni: Mean Corvera