DEPED, all set na para sa school opening sa June 5
Handang-handa na ang Department of Education para sa pagbubukas ng school year 2017-2018 sa Lunes, Hunyo 5.
Ayon kay Education Undersecretary Jess Mateo, inaasahang karagdagang isang milyong mag-aaral ang makakabilang sa mga magbabalik sa paaralan sa Lunes.
Sinabi ni Mateo na maagang naghanda ang DEPED para sa pasukan at maliban sa brigada eskwela ay nagpatupad na sila ng early enrollment noon pang Enero.
Samantala, sinabi ni Mateo na maganda ang resulta ng pagpapatupad ng K-12 sa mga paaralang nagsilbing model school o mga paaralang pinayagan na maagang magpatupad ng programa.
Inihalimbawa ni Mateo ang paaralan sa Cagayan de Oro na nagkaroon na ng graduate ng Grade 12 ngayong taon.
Mabilis aniyang nakakuha ng trabaho ang naturang mga graduates dahil akma ang programa sa paaralan, sa pangangailangan ng kanilang lugar.