CHR nagpadala rin ng kinatawan sa Mindanao
Nagtungo na rin ng Lungsod ng Marawi at Lanao del Sur ang mga kinatawan ng Commission on Human Rights.
Layunin nitong matulungan ang mga biktima ng karahasan, lalo na kung ang mga ito ay mahihirap na sibilyan at walang kakayahang magreklamo.
Kabilang sa gagampanan ng CHR ang free counseling at legal support.
Nagpadala ng CHR representative sa Marawi dahil na rin sa pangamba sa mga kaso ng human rights violations, lalo’t umiiral ang Martial Law sa buong Mindanao.
