Paggamit ng low tech na bomba posibleng sanhi ng aksidente na ikinamatay ng mga sundalo sa Marawi City air strike ayon sa DND

0
lorenzana1

Ang paggamit ng low tech na bomba o conventional bomb ang posibleng dahilan kaya tinamaan ang mismong tropa ng pamahalaan sa Marawi City na ikinamatay ng sampung sundalo at ikinasugat ng pitong iba sa isinasagawang air strike sa stronghold ng mga teroristang Maute group.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Mindanao Hour briefing sa Malakanyang na naubusan na ang Philippine Air Force ng smart precision guided missile kaya gumamit na ng conventional bomb.

Ayon kay Lorenzana nakakalungkot at masakit ang nangyari dahil ang nadisgrasya ay ang mismong mga sundalo ng gobyerno sa halip na mga teroristang Maute group.

Inihayag pa ni Lorenzana sa ngayon ay limitado ang isasagawang air strike at nererepaso ng ground commanders kung saan nagkaroon ng problema.

Hindi naman matiyak ni Lorenzana kung makukuha ang traget na sa araw ng Biyernes ay makukuha na ang stronghold ng Maute group sa Marawi City aabutin ng araw ng Linggo.

Niliwanag ni Lorenzana na talagang mayroong nangyayaring friendly fire o ang tinatamaan ay ang mismong tropa ng gobyerno sa mga ginagawang giyera sa mga kalaban ng pamahalaan at hindi ito sinasadya kundi aksidente lamang.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *