Pangulong Duterte, bumisita sa mga biktima ng Resorts World attack

0
duterte visits

 

Bumisita ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang funeral homes kung saan dinala ang mga labi na biktima  sa Resorts World Manila attack sa Pasay City noong Biyernes.

Unang pumunta ang Pangulo sa Veronica Memorial Homes sa Arnaiz Ave, Pasay at nakiramay ito sa pamilya ng mga biktima.

Matapos nito ay lumipat naman ang Pangulo sa Rizal Funeral Homes sa Libertad, Pasay na malapit din sa Veronica funeral parlor.

Bago dumating ang Pangulo marami ring nag-abang na mga residente sa dalawang punerarya sa Pasay.

Ulat ni: Earlo Bringas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *