Red Cross, nanawagan ng karagdagang donasyon para sa evacuees sa Marawi City

0
prc1

Nanawagan ng mga karagdagang donasyon ang Philippine Red Cross para sa mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay PRC Secretary General Oscar Palabyab, patuloy na nadaragdagan ang mga bakwit na dumarating sa limang evacuation centers na kanilang hawak.

Aniya, kailangan ng mga evacuees ng mga karagdagang pagkain at non food items.

Dagdag pa ni Palayab, nakararanas na ng mga sakit ang ilang evacuees tulad ng ubo, sipon at diarrhea.

Kasabay nito, nangangailangan din ang Red Cross ng volunteer doctors at nurses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *