Marawi City nangangailangan ng malaking halaga para sa rehabilitasyon
Agad na sisimulan ang rehabilitasyon sa Marawi City sa sandaling matapos na ang isinasagawang operasyon ng militar laban sa Maute group.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong na hanggang hindi pa lubusang nasusugpo ang Maute ay hindi agad sila makakakilos.
Dagdag pa ni Adiong , hindi pa maestimate sa ngayon kung magkano ang kakailanganing pondo subalit tiyak na malaking halaga ang dapat ilaan dahil grabe ang epektong iniwan ng bakbakan sa Marawi City.
Karamihan aniya sa mga gusali, establisyimento at mga paaralan ay kinakailangan ng reconstruction dahil sa matinding epekto ng bakbakan.
“Habang nandyan pa yung putukan hindi pa natin ito mabibigyan ng tamang solusyon . so we are hoping na sana matapos na itong kaguluhang ito at ang ating military ay ma-overun na nila at marecover ang mga areas kung saan maroon parin silang nakikitang activity ng mga Maute group”. – Adiong
Ulat ni: Marinell Ochoa