Mga ahensiya ng gobyerno na hindi makapagbibigay ng FOI manual hindi bibigyan ng Malakanyang ng performance based bonus
Binantaan ng Malakanyang ang mga ahensiya ng pamahalaan na hindi makakatanggap ng Performance Based Bonus o PBB ang kanilang empleyado kung walang Freedom of Information o FOI Manual.
Nagbigay ng deadline ang Department of Budget and Management sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na kailangang makapagsumite ng FOI manual hanggang October 1 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa DBM kung walang FOI manual ang ahensiya ng pamahalaan ay walang pondong ilalabas para sa PBB ng mga empleyado ng gobyerno.
Ang PBB ay taunang bonus na ibinibigay sa lahat ng empleyado ng gobyerno depende sa kanilang performance sa posisyong hawak ng kawani.
Ulat ni: Vic Somintac