Maraming establishment sa Mindanao, nagtaas ng presyo ng kanilang bilihin
Maraming pangunahing establishment sa Mindanao ang nagtaas ng presyo sa kabila ng price freeze na ipinatupad dahil sa Martial Law.
Sinabi ni DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau OIC Lilian Salonga, sampung sentimos hanggang dalawang piso ang presyong itinaas sa mga pangunahing bilihin sa Iligan City , Lanao del Norte at Surigao.
Ayon kay Salonga pinadalhan na nila ng show-cause order ang mga establisimiyento para pagpapaliwanagin sa kanilang pagtaas ng presyo.
Aniya papatawan ng multang isang milyong piso at pagkakulong ng hanggang isang taon kapag napatunayang lumabag sa Price Act.
Please follow and like us: