Anti terror council walang intel funds kaya nakalusot ang mga terorista sa Mindanao – Sen. Trillanes
Kinuwestyon ni Senador Antonio Trillanes si Executive Secretary Salvador Medialdea kung bakit walang inilaang intelligence fund sa mga tanggapang nagmomonitor ng posibleng pagpasok ng mga terorista sa bansa.
Kabilang na rito ang Anti-Organized Crime Task Force, Philippine Center for Transnational Crime, Philippine Presidential Commission on the Visiting Forces Agreement, National Coast Watch Council, at ang Presidential Situation Room.
Sa budget hearing, sinabi ni Trillanes na dahil walang intel funds, hirap ang gobyerno na mamonitor ang pagpasok ng mga terorista kabilang na ang grupong Maute na umatake sa Marawi City.
Sabi ng Senador nasasayang lang ang pondo dahil mas ginagastusan pa ang mga trolls ni Communications Secretary Martin Andanar.
Ulat ni: Mean Corvera