Pagtanggi ni Pangulong Duterte sa mga grant mula sa EU, walang epekto sa trade relation ng EU – DFA

0
th

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang epekto sa trade relations ng European Union ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang mga grants mula sa EU dahil sa pagbatikos sa war on drugs ng administrasyon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, magkaiba ang tulong o grants sa pakikipagkalakalan ng pilipinas sa EU.

Sinabi ni Cayetano na nagagamit raw kasi ang ibinibigay ng tulong ng EU para batikusin ang pamamalakad ni Pangulong Duterte sa gobyerno.

Tama lanang aniya ang desisyon ng pangulo dahil bilang isang malayang bansa, may karapatan ang pangulo na magpatupad ng mga patakaran gaya ng gyera kontra droga para tugisin ang mga nagpapakalat ng iligal na droga.

Malaki aniya ang problema ng pilipinas sa iligal na droga katunayang apektado na ang buhay ng milyon milyong pilipino kaya dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno pero pinakikialaman at binabatikos ng EU.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *