Resignation ni Comelec Chairman Andres Bautista “effective immediately” ayon sa Malacañang

0
andy-bautista

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Comelec Chairman Andres Bautista.

Subalit hindi tulad ng pahayag ni Bautista na sa katapusan pa ng taon ang effectivity ng kanyang pagre-resign dahil ang gusto ng pangulo ay “effective immediately” ang kanyang pagbaba sa pwesto.

Nangangahulugan ito na hanggang ngayong araw na lamang sa kanyang pwesto ang pinuno ng Comelec.

Kinumpirma rin ito ni Bautista matapos matanggap ang liham mula sa Office of the Executive Secretary (OES) bilang sagot sa kaniyang isinumiteng resignation letter kay Pangulong Duterte.

Nilinaw ni Bautista na iginagalang niya ang naging desisyon ng pangulo sa kanyang pagbaba sa pwesto.

Kamakailan ay na-impeached sa Kamara si Bautista dahil sa iba’t ibang mga bintang tulad ng umano’y pagkakamal niya ng P1 Billion na unexplained wealth.

Nauna na ring sinabi ng liderato ng Senado na balewala na ang impeachment complaint laban kay Bautista dahil sa nauna na niyang isinumiteng resignation letter sa pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *