Pangambang NO EL sa 2018 barangay election at 2019 mid term elections dahil sa pagsusulong ng chacha sa kongreso pinawi ng Malacañang
Wala pang katiyakan kung hindi matutuloy ang Barangay Election sa 2018 at ang Midterm Elections sa 2019.
Sinabi ni Presidential Sookesman Harry Roque maliban na lamang kung agad na mababago ang Saligang Batas kaugnay ng pagsusulong ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Charter Change o Chacha.
Ayon kay Roque malinaw ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung ano ang nakasaad sa Konstitusyon iyon ang masusunod.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil sa pagnanais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na baguhin ang Saligang Batas para tuluyang bigyang daan ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno mula Presidential patungong Federalismo na posibleng hindi matutuloy ang nakatakdang mga halalan na nakasaad sa kasalukuyang umiiral ng Konstitusyon.
Inihayag ni Roque kailanman hindi lalabagin ng Pangulo ang Konstitusyon dahil pananagutan ng presidente na sumunod sa isinasaad ng batas batay sa kanyang oath of office.
Ulat ni Vic Somintac