Grab, humihirit ng fare hike
Humihingi na ng dagdag sa singil sa pasahe ang transport network na
grab dahil sa implementasyon ng pagtaas ng excise tax sa gasolina sa
ilalim ng inaprubahang tax reform package ng kongreso.
Sampu hanggang trese pesos ang hinihinging increase ng grab o katumbas
ng six hanggang 10 percent.
Sa ilalim kasi ng tax reform package na ipinatupad sa unang araw ng
Enero, tataas na ang ipinapataw na excise tax sa mga sasakyan at
produktong petrolyo.
Paliwanag ni Bryan Cu, head ng grab Philippines, ang kanilang mga
drivers ay kumukunsumo ng 800 hanggang one thousand pesos na gasoline
kada araw.
Pero tataas pa ito kapag tumaas na rin ang gasoline at serbisyo na
nangangahulugan na malaking kabawasan sa kita ng mga drivers.
Sa tantya ng kumpanya, aabot hanggang five percent ang itataas sa
presyo ng gasolina bukod pa sa pagtaas sa presyo ng mga spare parts na
makakaapekto rin sa kita ng mga drivers.
Ulat ni Meanne Corvera