Anim na pisong diskuwento sa gasolina inihirit ng PISTON

0
piston-conducts-transport-carava

Humihirit ng anim na pisong diskwento sa gasolina ang Pinagkaisang
Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON dahil sa implementasyon
ng tax reform law.

Katwiran ng grupong PISTON, inaasahang tataas ang presyo ng krudo
dahil sa pagtaas ng excise tax sa diesel sa ilalim ng tax reform for
acceleration and inclusion o train.

Sinabi ni George San Mateo ng PISTON n na kung mabibigyan ng fuel
discount ang mga public utility vehicle, hindi rin sila hihirit ng
dagdag na singil sa pamasahe.

Simula kasi ngayong Enero, sa ilalim ng TRAIN law, tataas na ng dalawang
piso at singkuwenta sentimos ang kada litro ng diesel at papalo pa ito
ng anim na piso pagsapit ng 2020.

Mula sa kasalukuyang four pesos at 35 cents kada litro ng gasolina,
tataas ito ng siete pesos kada litro ngayong 2018 na papalo pa ng
sampung piso pagsapit ng 2020.

Sa ngayon, pinag aaralan na ng grupong PISTON ang pagdaraos ng
malawakang pagkilos para iprotesta ang implementasyon ng TRAIN.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *