Isinusulong na charter change para sa federalismo lumalabo ang tyansa ayon sa mga senador
Nagbabala ang mga senador na maaring hindi magtagumpay ang isinusulong
na charter change o federalismo ng duterte administration.
Itoy dahil sa pagpapalutang ng no election scenario sa susunod na taon
at umanoy term extension ng pangulo at mga pinuno ng kongreso.
Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, hindi makakatulong ang no-election
scenario sa adbokasiya ng Duterte government na ipursige ang federal
form of government.
Ang ginagawa aniya nina Senate President Aquilino Pimentel at House
Speaker Pantaleon Alvarez na pagpapalutang ng term extension ay
mistulang pangangampanya para tuluyang mamatay ang chacha.
“The opposition need not invent the best antidote to Charter change.
No less than the two leaders of both houses of Congress have started
campaigning against it, albeit subliminally “Floating a No-El and term
extension scenario, as recent history would suggest, won’t help their
advocacy to shift to a federal form of government, inevitably via an
amendment of the Constitution”
Paalala naman ng iba pang senador, hindi umusad ang chacha sa ilalim
ng Ramos at Arroyo administration dahil sa isyu ng term extension na
pakikinabangan lang ng mga pulitiko.
Pero naniniwala sina Senador JV Ejercito at Ralph Recto na malabong
mangyari ang no election scenario dahil imposibleng mabago ang
konstitusyon sa loob ng isang taon.
Ulat ni Meanne Corvera