Gun ban, ipatutupad ng PNP simula sa Lunes

0
images

Aabot sa higit limanglibo at anim na raang pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa Maynila sa martes para sa isasagawang traslacion ng mga debotong katoliko.

Ayon kay NCRPO Chief police Dir Oscar Albayalde, bukod sa mga unipormadong pulis…magdedeploy din sila ng mga nakasibilyan na tauhan para magmatyag sa paligid.

Magtatalaga rin sila ng mga sniper at observer sa mga gusali na daraanan ng prosisyon para magsilbing deterent sa mga may planong manggulo.

Makakatuwang din ng PNP sa pagbibigay ng seguridad sa aktibidad ang isang battalion o nasa limangdaang sundalo mula sa AFP joint taskforce NCR.

Nilinaw naman ni Albayalde na sa ngayon ay wala pa silang natatangap na ispisipikong banta sa aktibidad.

Kaya naman hindi pa rin inirerekomenda ng NCRPO na magpatupad ng signal jamming sa mga lugar na daraanan ng prosisyon.

Magpapatupad naman ng gunban sa buong lungsod ng maynila mula January 8-10 kung saan suspendido mula ang pertmit to carry outside residence.

May liquor ban din sa Sta.Cruz maynila at sa Quiapo area sa parehong petsa.

Inaasahan ng ncrpo na aabot sa dalawang milyong debotong katoliko ang lalahok sa aktibidad kaya naman bukod sa segurdad at naghanda rin umano sila ng mga medical team sa lugar.

23 medical station daw ang ipapakalat sa mga daraanan ng prosisyon habang may nakaantabay na 65 ambulansya at 15 rescue boats para anumang emergency cases.

Ulat ni Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *