Patuloy na mataas na trust at approval rating ni Pangulong Duterte ikinatuwa ng Malacañang
Hinimok ngayon ng Malakanyang ang mga pinoy na magkaisa at tulungan ang pamahalaan para tugunan ang mga problema sa kahirapan, iligal na droga, kriminalidad at korupsiyon.
Ito ang inihayag ng palasyo sa resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey kung saan nakapagtala ng 80 percent na approval rating at 82 na trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga nasabing numero ay indikasyon na kinikilala ng nakararaming pinoy ang pamamahala at mga programa ng pangulo at kakayanang maisakatuparan ang mga pagbabago sa gobyerno.
Sinabi ni Roque na magsisilbing inspirasyon sa administrasyon ang patuloy na pagtitiwala ng publiko sa liderato ng pangulo.
Ang patuloy na mataas na trust at approval rating ay naitala ng pangulo sa last quarter ng nakalipas na taon.
Ulat ni Vic Somintac