Total ban sa firecrackers at pyrotechnics nais ipatupad ni Pangulong Duterte sa buong bansa
Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongresi na magpatibay ng batas na nagbabawal ng paggamit ng firecrackers at pyrotechnics sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa briefing sa Malakanyang ang total firecrackers at pyrotechnics ban ang isa sa agenda ng huling cabinet meeting ng Pangulo sa Malakanyang.
Ayon kay Roque nakita ng Pangulo na malaki ang pagbaba ng paggamit ng firecrackers at pyrotechnics sa nakalipas na pagsalubong sa bagong taon dahil sa pagpapalabas ng Executive Order number 28 na naglalayong iregulate ang paggamit ng malakakas na paputok.
Inihayag ni Roque inatasan din ng Pangulo ang Department of Trade and Industry o DTI na kausapin ang limamput limang libong nasa firecrackers at pyrotechnics industry para mahanapan ng alternatibong mapagkakakitaan kapag naipatupad ang total ban.
Niliwanag ni Roque na pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang kaligtasan ng publiko tuwing pagsalubong ng bagong taon.
Ulat ni Vic Somintac