Salary increase ng mga guro, isusunod ni Pangulong Duterte ayon sa Malacañang

0
Salary increase ng mga guro, isusunod ni Pangulong Duterte ayon sa Malacañang

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management o DBM na hanapan ng pondo ang pagtataas ng sahod ng mga guro.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harty Roque na tinalakay ng Pangulo sa huling cabinet meeting ang salary increase ng mga guro.

Ayon kay Roque matapos taasan ng Pangulo ang sahod ng mga sundalo at pulis isusunod ang ang mga guro bilang bahagi ng ikalawang reform package ng administrasyon ngayong 2018.

Nauna ng itinaas ng Pangulo ang suweldo ng mga sundalo at pulis at isusunod ang sahod ng mga guro para mapataas pa lalo ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *