Pagpapaaresto kay Senator Trillanes walang basehan ayon sa mga senador
Labag sa batas ang pagpapaaresto kay Senator Antoinio Trillanes IV.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang malinaw na kaso na isinampa at walang inisyung warrant of arrest laban kay Trillanes
Iginiit ni Drilon na maari pa ngang kasuhan ng double jeopardy ang Malacanang o DOJ kapag ipinalit ang kaso laban kay Trillanes na may kaugnayan sa pag-aaklas laban sa gobyerno noong ito pa ay sundalo.
Katwiran ni Drilon, naibasura na ang mga kasong ito nang gawaran ng amnestiya si Trillanes.
Tila umaabuso na rin aniya ang Malacañang at lagpas na ang ginagawa nito sa itinatakdang kapangyarihan ng saligang batas.
Ulat ni Meanne Corvera