Mahigit 100 pamilya sa Bohol at Surigao del norte, lumikas na bilang paghahanda sa pag-landfall ng bagyong Samuel
Mahigit isangdaang pamilya sa bohol at surigao del norte ang lumikas na bilang paghahanda sa pag-landfall ng bagyong Samuel.
Ang isangdaan at siyam na pamilya sa Bohol ay mula sa barangay Cadapdapan, Panadtaran, La Union, San Isidro, Cambane, at Boyo-an.
Samantalang ang nasabing anim na barangay ay idinekalarang landslide prone areas.
Suspendido na rin ang klase ngayong araw mula pre-school hanggang highschool sa Bohol.
Sa Surigao City , walong barangay na ang nagpatupad ng preemptive evacuation kung saan tatlumput tatlong pamilya na ang lumikas.