Pangulong Duterte, mas ligtas manatili sa Davao City kaysa sa Metro Manila- Roque

hqdefault

Inihayag na ng Malakanyang ang dahilan kung bakit nananatili sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang malalang kaso ng Covid-19 sa Metro Manila kaya hindi pa umuuwi ng Malakanyang ang Pangulo.

Ayon kay Roque mayroong mga miyembro ng Presidential Security Group o PSG ang nagpositibo sa Covid-19 ganun din ang ilang mga empleyado sa Malakanyang partikular sa tanggapan ng Presidential Communications Operation Office o PCOO.

Inihayag ni Roque batay sa assessment ng PSG mas ligtas sa Covid-19 ang Pangulo kung mananatili ito sa kanyang bahay sa Davao City.

Niliwanag ni Roque na hindi nagtatago ang Pangulo at wala itong iniindang malalang karamdaman.

-Vic Somintac