Grupo ng mga Bicycle Riders namigay ng relief goods sa mga residenteng binaha sa Brgy. Pansol, Calamba Laguna
Naghatid ng relief goods ang grupo ng mga Bicycle Riders na nagmula pa sa Cavite at Maynila para sa mga residenteng naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng bagyong ulysses sa Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna.
Nasa 100 pamilya ang kanilang nabigyan ng relief goods.
Ito ay upang makatulong ang naturang grupo kahit sa simpleng paraan para sa kanilang mga kababayan na nasalanta ng nagdaang bagyo.
Ayon sa ilang mga residente ng naturang barangay, ay nahihirapan silang lumabas ng kanilang mga bahay dahil sa mataas pa rin na tubig baha sa kanilang lugar.
Malaki ang kanilang pasasalamat sa lahat ng nagsumikap na makapaghatid ng tulong sa mga naapektuhang resisdente sa lugar.
Ayon kay Kapitan Joel Martinez, patuloy parin sila sa pagbibigay ng ayuda sa lahat ng residente sa abot ng kanilang makakaya.
Sinabi pa ng kapitan ng baranggay na marami pa rin aniya ang nananatili sa Evacuation Center.
Taos puso ding nagpasalamat ang kapitan ng barangay sa grupo ng Bicycle Riders na naghatid ng tulong sa kanilang lugar.
Ulat nina: Clarince Robles at Ronaldo Duran